MANILA, Philippines - Dalawa katao ang nasawi, habang apat naman ang malubhang nasuÂgatan kabilang ang dalawang kababaihan matapos pagbabarilin ang mga ito ng riding-in-tandem kahapon ng madaling-araw sa MaÂlabon City.
Binawian ng buhay haÂbang ginagamot sa Fatima Hospital ang mga biktima na sina Virgilio MarianÂo, 56; at Samuel Pasto, 23, kapwa taga-University AveÂnue, Brgy. Potrero ng naturang lungsod, nagtamo ang mga ito ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa kalibre .45 baril.
Inooserbahan naman sa naturang pagaÂmutan ang apat na sugatang sina Jesusa Tan, 46; Cecile TupazÂ, 31; Rodrigo Mendoza, 50; at Teofilo Angeles Jr., 34, pawang mga residente ng naturang lugar, nagtamo rin ang mga ito ng tama ng bala sa kani-kanilang katawan.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Malabon City Police, naganap ang insidente ala-1:00 ng madaling-araw sa kahabaan ng University Avenue, Brgy. Potrero ng naturang siyudad habang nagkukuwentuhan ang mga biktima nang biglang dumaÂting ang mga suspect sakay ng motorsiklo kung saan agad na pinaulanan ng bala ng baril ang mga una. Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspect.
Blangko pa ang pulisya sa motibo sa pamamaril at maging sa pagkakakilanlan sa mga salarin.