^

Metro

Police Colonel, nabaril ang sarili

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang police colonel ang sugatan matapos na aksidenteng mabaril nito ang kanyang sarili gamit ang sariling baril na hinahanda lang niya matapos magsuspetsa sa isang lalaking sumusunod sa kanya habang nagmamaneho sa isang kalye sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Superintendent Osmundo de Guzman, hepe ng Quezon City Police District-Station 1, si Superinten­dent Bonifacio Bosita ay nagtamo ng isang tama ng bala sa kanyang kanang hita na tumama rin sa kanyang paa. Sabi ni De Guzman, ang bala ay bumaon sa kanang paa ni Bosita.  

Ang insidente ay naganap dakong alas-6 ng gabi sa may panulukan ng A. Bonifacio Avenue at Mayon St., habang minamaneho ni Bosita ang kanyang AUV mula Meycauayan patungo sa kanyang bahay sa Metro Manila.

Naka-police uniform pa si Bosita ng Police Regional Office 3, nang maganap ang insidente. Pero habang nasa daan, napuna ng colonel ang isang lalaking nakasakay sa motorsiklo na sumusunod sa kanya.

Dahil anya rito, nagsuspetsa si Bosita na sinusundan siya ng naka-motor kung kaya inihanda na niya ang kanyang kalibre .45 Pietro Beretta pistol.

Gayunman, habang hinahanda ng colonel ang kanyang pistola ay aksidenteng pumutok ito at tinamaan niya ang sa­riling hita, sanhi para siya huminto sa lugar. Habang ang lalaking naka-motorsiklo naman ay mabilis ding naglaho matapos ang aksidente, sabi pa ni De Guzman.

Tiyempo namang nagpapatrulya ang tropa ng QCPD-Station­ 1 sa lugar at napuna ang insidente saka itinakbo nila ang colonel sa ospital kung saan ligtas na ito sa kapahamakan.

BONIFACIO AVENUE

BONIFACIO BOSITA

BOSITA

DE GUZMAN

KANYANG

MAYON ST.

METRO MANILA

PIETRO BERETTA

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with