MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon ang Metropolitan Manila DevelopÂment Authority (MMDA) sa mga billboard operators na i-donate ang kanilang mga lumang dambuhalang mga tarpaulin/billboard na maaaring gawing tents para sa mga biktima ng bagyong Yolanda na nawalan ng kanilang mga tirahan.
Ayon sa MMDA, maaaring magsilbing pansamantalang masusukuban ang malilikhang mga tents buhat sa mga tarpaulins ng mga residenteng apektado sa paghagupit ng bagyong si Yolanda habang hindi pa naitatayo ang kanilang mga bahay.
Sa panawagan ng ahensya sa mga billboard opeÂrators, kailangang maipadala ang anumang tulong sa mga biktima sa mabilis na panahon upang maiwasan ang lalong pagkakasakit lalo na ang mga bata at matatanda dahil sa bukod sa nawasak ang kanilang mga bahay ay nasira rin ang mga evacuation centers.
“Instead of these tarpaulins rotting in their warehouses, it is better that advertising agencies hand them over to government relief units where it can be put to good use,†ayon sa ahensya.
Inumpisahan na ng MMDA ang pagkolekta sa mga nakumpiska nilang mga tarpaulin/billboard sa kasagsagan ng ‘Oplan Baklas Billboard’ para magawang mga tents.