^

Metro

P.5-M dalang pera tinangay pa sekretarya ng kompanya, patay sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang sekretarya ng isang kompanya makaraang pagbabarilin ng riding- in-tandem suspect na tumangay din sa dala nitong pera na nagkaka­halaga ng P.5 milyon habang ang una ay papasok sa kanyang pinagtatrabahuhan sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Ayon kay Enrique Lla­nuza­, barangay kagawad ng San Isidro Labrador, nakilala ang nasawi na si Olivia Gilasco, 44, may-asawa ng Villa Olympia Town Homes, Cainta, Rizal.

Agad namang tumakas ang mga suspect lulan ng motorsiklong Mio Yamaha na walang plaka.

Nangyari ang insidente ganap na alas-10:20 ng umaga sa may harap ng Bellbry Lubricant na mata­tagpuan sa Halcon St. sa naturang lungsod.

Base sa footage ng closed circuit television camera (CCTV), kabababa lamang ng biktima sa isang Nissan Navarra (ZTX-788) at papasok na sa pintuan ng kanilang kompanya nang biglang sumulpot ang gunman at pagbabarilin ito.

Makikita sa CCTV na habang pumuputok ang suspect ay tumatakbo ito papalapit sa biktima kung saan nang mabitawan ng huli ang bag ay sabay dampot dito ng una at tumakas. Sinabi ng mga testigo na pagkakuha umano ng isa sa mga suspect sa dalang  bag ng biktima ay dumiretso ito sa naghihintay na  motorsiklo saka tuluyang nagsitakas.

Sinasabing, bago ang insidente ay nag-withdraw muna umano ng pera ang biktima sa isang banko na galing sa koleksyon. At maaaring mula doon ay sinundan siya ng mga salarin hanggang sa makakuha ng tiyempo at isagawa ang krimen.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan at ulo ay agad na nasawi sa naturang insidente.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), narekober sa lugar ang limang basyo ng kalibre 9mm na baril na siyang ginamit ng salarin sa naturang krimen.

Patuloy ang imbestigas­yon ng awtoridad kung saan tinitignan ang kasong inside job sa nasabing insidente.

vuukle comment

BELLBRY LUBRICANT

ENRIQUE LLA

HALCON ST.

MIO YAMAHA

NISSAN NAVARRA

OLIVIA GILASCO

SAN ISIDRO LABRADOR

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

VILLA OLYMPIA TOWN HOMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with