^

Metro

Tubig at financial assistance laan ng Maynilad

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naglaan ang West Zone concessionaire Maynilad Water­ Services, Inc. (Maynilad) ng P1 milyon sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa pamamagitan ng PLDT-Smart Foundation  bilang bahagi ng pagpupursigi ng Tulong Kapatid ng MVP Group of Companies na matulungan ang mga biktima ng kalamidad sa Visayas .

Mula noong Biyer­nes matapos manalasa ang bagyong Yolanda ay nagpadala na ang Maynilad  ng  3,000 litrong botelyang tubig-inumin at 1,100 one-gallon jugs ng tubig sa  Alagang Kapatid Foundation, Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Philippine Navy para sa mga biktima ng bagyo.

Ngayong linggo, ang kum­panya ay nagpadala ng dag­dag na  12,000 units  ng  one-liter bottles, 15,000 one-gallon jugs at 10,000 bottled water­  sa iba’t ibang  public at private organizations.

Sa pakikipagtulungan sa United Nations Children’s Fund (UNICEF), ang May­nilad  ay nagpadala rin ng mga water engineers sa  Tac­loban­ City  para magkaloob ng technical assistance sa water systems na nawasak.

ALAGANG KAPATID FOUNDATION

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

GROUP OF COMPANIES

MAYNILAD

MAYNILAD WATER

PHILIPPINE NAVY

SHY

SMART FOUNDATION

TULONG KAPATID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with