^

Metro

Kelot dedo sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang nasawi habang isa pa ang sugatan makaraang sorpresang pagbabarilin ng isa sa dalawang suspect sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Wilfredo Balasbas, 23, ng Maligaya Park Subdivision, Brgy. Pasong Putik sa lungsod. Habang nakaratay naman sa ospital ang sugatang si Erickson Diaz, 25.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa may waiting shed ng Maligaya Elem. School na matatagpuan sa kahabaan ng Bonggavilla Oval St., Maligaya Park Subd., Brgy. Pasong Putik.

Ayon sa isang testigo, naka istam­bay umano ang mga biktima kasama ang iba pang lalaki sa naturang lugar nang biglang dumating ang suspect na armado ng baril.

Mula rito, bigla na lamang pinaputukan ng suspect ang mga biktima at saka nagsitakas ang mga suspect sakay ng isang motorsiklo.

 

AYON

BONGGAVILLA OVAL ST.

BRGY

ERICKSON DIAZ

MALIGAYA ELEM

MALIGAYA PARK SUBD

MALIGAYA PARK SUBDIVISION

PASONG PUTIK

WILFREDO BALASBAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with