^

Metro

Nag-away ng misis, mister nagbigti

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinihinalang ang away niya sa kanyang misis ang nagtulak sa isang kusinero upang kitlin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kanyang bahay, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Nakilala ang nasawi na si Arvie Ramos, kusinero sa isang lodging house  at residente ng Taylo St., ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Pasay Police, dakong alas-5 ng ma­daling-araw nang matuklasan ang nakabigting bangkay ni Ramos sa loob ng kuwarto sa kanyang bahay.

Nabatid na unang nag-away ang biktima at ang misis nito na si Julie Ann Oricio, 28, dakong ala-1 ng madaling-araw sa hindi pa mabatid na dahilan.

Natagpuan naman sa loob ng bahay ang wasak na cellular phone ng biktima at ilang bote ng beer tanda na nag-inom muna ito ng alak bago nagpatiwakal.  Wala namang natagpuang “suicide note” buhat sa biktima habang wala ring ibang sugat sa katawan maliban sa marka ng lubid sa leeg nito.

Halos hindi naman makausap ng mga awtoridad si Julie sa naganap na insidente.

 

vuukle comment

ARVIE RAMOS

HINIHINALANG

JULIE

JULIE ANN ORICIO

NABATID

NAKILALA

PASAY CITY

PASAY POLICE

TAYLO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with