MANILA, Philippines - Hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pumatay sa mag-asawang sina dating Pangasinan Vice Mayor Ramon Arcinue, misis na barangay chairwoman Zorahayda nang mahuli ito noong Lunes, sa isang entrapment operation sa General Santos City.
Ang suspect na si Guialaludin Otto, alyas “Boy Muslim†na may patong na P1 milyon sa ulo ay sinasabing kilalang hired killer sa lalawigan ng Pangasinan batay sa mga nakalap na record nina NBI-NCR Assistant Regional Director Vicente de Guzman at Agent Eduardo Ramos Jr.
Matatandaang ang mag-asawang Arcinue ay dumalaw lamang sa kanilang anak na nanunuluyan sa apartment sa Sampaloc, Maynila noong Marso 7, 2012 nang sila ay pagbabarilin.
Unang nasawi si Ramon at hindi nagtagal ay binawian din ng buhay si Zorahayda sa UST Hospital.
Si Otto rin ang itinuturong bumaril umano kay PAO chief Dante Untalan Jr.. sa San Carlos, Pangasinan.