MANILA, Philippines - Nakaligtas sa posibleng malaking pinsala sa buhay at ari-arian kung hindi agad narekober ng isang guwardiya ang isang granada na may timing device at nagbabantang suÂmabog na ikinabit sa isang sasakyan na nasa loob ng isang gusali sa lungsod Quezon, kamakalawa.
Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, ang establisimentong tinaniman ng bomba ay ang FH Manere Property Group Inc. na mataÂtagpuan sa Matahimik St., corner V. Luna St., Brgy. Pinyahan.
Ayon kay SPO2 Eric Lazo, ang grenade MK-2 HE ay natagpuang wala nang safety pin, pero may nakakabit na nakasinding sigarilyo at anim na palito ng posporo at rubber band bilang timer.
Sa pagsisiyasat, narekober ang nasabing granada ng guwardiyang si Liberato Bato Jr., sa isang Honda civic model 2000 (ZSV-733) na pag-aari ng isang Jonathan Gabriel, 30, ganap na alas- 11:50 ng gabi.
Bago ito, nagbabantay umano si Bato sa kanyang puwesto nang dumating ang isang sasakyan na pag-aari ng may-ari ng establisimento.
Nang makita ito ni Bato ay agad na kinuha niya ang susi ng Honda Civic sa security table saka iniabot ito sa kasamahang guwardiya na si Allan Rabillosa para ilipat ito sa ibang lugar.
Habang pinaandar ni Rabillosa ang sasakyan ay napuna naman ni Bato mula sa likurang bahagi nito ang isang granada na naka-tape at may nakakabit ang palito ng posporo at nakasinding sigarilyo.
Dahil sa banta ng panganib, agad na kinuha ni Bato ang granada at pinatay ang nakasinding sigarilyo saka iniwan ito sa kabilang kalye, bago tuluyang tumawag ng awtoridad.
Agad namang rumesponde ang tropa ng Explosives Ordnance Division ng QCPD sa pamumuno ni Insp. Noel Sublay at naÂrekober ang granada na posibleng sumambulat ang nasabing granada at makapinsala bunga ng naturang mga devices.
Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing inÂsidente.