^

Metro

Jeep salpok sa puno: 20 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawampung  katao ang nasugatan matapos na bumangga ang sinasakyan nilang pampasaherong jeepney sa isang puno ng Narra sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa pulisya, lahat ng biktima ay nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan dahil sa aksidente.

Samantala, hawak naman ng pulisya ang driver ng passenger jeepney na nasugatan din sa insidente at nakilalang si Godofredo Capin, 50, ng Brgy. Tagpos, Binangonan, Rizal.

Sa imbestigasyon, nabatid na dakong alas-11:45 ng gabi nang maganap ang aksidente sa Ortigas Avenue, sa Brgy. Ugong, habang ang mga biktima ay lulan ng passenger jeepney (DEM-741) na minamaneho ni Capin.

Sinasabing bigla na lang nawalan ng kontrol sa manibela si Capin sanhi upang bumangga sa gutter ang sasakyan patungo sa puno ng Narra at nagresulta sa pagkakasugat ng mga biktima. Si Capin ay nahaharap na ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries.

vuukle comment

AYON

BINANGONAN

BRGY

CAPIN

DALAWAMPUNG

GODOFREDO CAPIN

ORTIGAS AVENUE

PASIG CITY

RIZAL

SI CAPIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with