64-anyos na trader, ninakawan na, pinatay pa

MANILA, Philippines - Pinatay muna bago pinagnakawan ang isang 64-anyos na negosyante sa loob ng isang bahay habang nakabalot sa isang kumot sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Ayon kay PO2 Marlon dela Vega, may-hawak ng kaso, ang biktima ay kinilalang si Amador Castro, ng Liberation St., Brgy. Sto. Niño, Galas.

Si Castro ay nadiskubre ng kanyang mga kaanak, ganap na alas-8 ng umaga sa loob ng isang kuwarto sa bahay ng kanyang anak na babae sa Block 1, Lot 3, Roxasville, Brgy. Pasong Tamo, 

Nawawala umano sa biktima ang halagang P150,000 cash money, mga piraso ng alahas at ang owner-type jeep nito.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, bago ang insidente, nagpunta umano ang biktima kasama ang kanyang apong 12-anyos na lalaki sa bahay ng anak na si Maureen Devenecia para dalawin ang huli.

Matapos ito, ayon sa isa pang anak ni Mang Amador na si Maricar Castro-Yanga, tina­tawagan niya ang cellphone ng kanyang tatay pero hindi ito sumasagot.

Dahil dito, nagpasya si Maricar na magpunta na sa bahay ng kapatid na si Maureen, pero pagsapit sa lugar ay nakakandado ang pinto at walang tao sa loob.

Sa puntong ito, nagpasya ang dalawa na dumulog sa barangay at puwersahang pinasok ang bahay para tignan kung naroon ang kanilang tatay at doon natuklasan ang bangkay ng ama.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), ang kamay at paa ng biktima ay iginapos ng electric cord ng electric fan.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

Show comments