^

Metro

1-anyos, patay sa meningococcemia

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasawi dahil sa sakit na meningococcemia ang isang taong gulang na  batang babae sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC) sa Marikina City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Dr. Emmanuel Beuno, direktor ng ARMMC,  ang biktima na hindi pina­ngalanan ay residente ng Brgy. Mambugan, Antipolo City ay nasawi dakong alas-11:45 ng gabi, o limang oras matapos itong isugod ng mga magulang sa paga­mutan nang makitaan ng mga nangangasul na rashes sa katawan.

Una na umanong isinugod ng kanyang mga magulang ang paslit sa Rizal Me­dical Center (RMC) dahil sa mataas na lagnat, rashes­ at kumbulsyon, ngunit­ mala­unan ay inilipat sa ARMMC.

Lumitaw naman sa lahat­ ng laboratory tests na isinagawa sa biktima na dinapuan ito ng meningo­coccemia.

Bilang precautionary measure, kaagad namang isinara ang emergency room ng pagamutan para magsagawa ng fumigation at maiwasan ang pagkalat ng sakit. Pansamantalang ginamit ng pagamutan ang lobby nito bilang emergency room.

Ang lahat naman ng taong nagkaroon ng close contact sa mga pas­yente, tulad ng mga doktor, medical staff at mga non-me­dical staff ay naka-quaran­tine na at binigyan ng prophylaxis.

Ikinukonsidera naman umano ng pamilya ng biktima na i-cremate ang mga labi ng paslit.

Kaugnay nito, pina­yuhan naman ni Marikina Mayor Del De Guzman ang mga residente ng lungsod na huwag mag-panic sa posib­leng outbreak ng sakit sa kanilang lugar dahil ang meningococcemia ay hindi madaling kumalat.

Matatandaang noong Enero, isang 4-taong gulang na batang lalaki ang nasawi rin sa naturang sakit sa ARMMC.

AMANG RODRIGUEZ MEMORIAL MEDICAL CENTER

ANTIPOLO CITY

AYON

DR. EMMANUEL BEUNO

MARIKINA CITY

MARIKINA MAYOR DEL DE GUZMAN

RIZAL ME

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with