MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang lalaki makaraang mahulog buhaÂt sa ika-7 palapag ng isang gusali sa Makati Business Center, kahapon ng umaga.
Inisyal na nakilala ang biktima na si Christian Sanchez, 27, empleyado umano ng isa sa kompanya sa PBCom Tower na nasa panulukan ng Ayala Avenue at Rufino St. sa naturang lungsod.
Sa ulat ng Makati Police, dakong alas-7:15 nang buÂmagsak ang biktima sa ibaba ng naturang gusali makaraang mahulog mula sa ika-7 pÂalapag. Agad na sinaklolohan naman ang biktima ng Makati Rescue Unit at isinugod sa pagamutan.
Idineklara namang wala nang buhay nang dumating sa Makati Medical Center ang biktima dahil sa tinamong mga pinsala sa pagbagsak.
Blangko pa ang pulisya kung aksidente o sinadya ng biktima ang pagkahulog buhat sa naturang gusali. Patuloy ngayon ang masusing imbestigasyon upang mabatid ang background ng biktima at makalikha ng “lead†sa naturang kaso.
Samantala, patay din ang isang 43-anyos na pintor nang mahulog naman mula sa ika-10 palapag ng ginagawang gusali sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Hindi na umabot ng buhay sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang biktimang si Jimmy Balwit, residente ng Purok 6, Hernandez St., Catmon, Malabon City.
Dahil sa sinasabing aksidenteng nakabitaw sa lubid ang biktima kaya inimbitahan ng pulisya ang foreman sa ginagawang gusali na si Edgar Acosta, 47. Aalamin kung may pananagutan ang kompanya o kontraktor sakaling may makitang lapses o hindi paggamit ng safety tools o device sa pagpipintura.
Sa inisyal na ulat, dakong alas-4:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa 10th floor ng HS Commercial Tower sa 854-856 Alvarado St., Binondo, Maynila.
Kasama umano ng biktima ang kapwa pintor na si Raymart Atienza sa pagpipintura sa pader sa ika-10 palapag nang maganap ang insidente.Bumagsak ang biktima sa bahagi ng ika-2 palapag ng ginagawang gusali.