Opisina ng LTFRB, binulabog ng granada
MANILA, Philippines - Isang granada ang natagpuan sa loob ng Land TransporÂtation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City kahapon ng umaga dahilan para maantala ang transaksyon sa ahensiya kahapon ng umaga.
Sinasabing isang janitor na nakilalang Jomar ang nakakita sa granada na binalutan ng tape sa loob ng comfort room ng mga lalaki sa ikatlong palapag ng gusali ng LTFRB.
Bago ito, isang Daisy San Andres ng Administrative Division ng LTFRB ang nagsabi na isang lalaki ang tumawag sa kanilang opisina ganap na alas-9:30 ng umaga kahapon at nagsabing mayroong maglalagay ng granada sa unahan ng kanilang opisina.
“May maglalagay ng granada sa tapat ng office niyo. LuÂmabas na kayo. Nagmamalasakit lang kami,†ito, ayon kay San Andres ang sinabi sa kanya ng isang caller.
“Sila raw ang mga naapi ng Philtranco,†dagdag ni San Andres.
Sinabi naman ni Supt. Lemuel Obon, hepe ng CPD station 10 na walang plano ang suspek na manakit ng sinuman dahil hindi naman sasabog ang granada dahil nakabalot ito ng tape at intact. Makaraang ma-clear ang lugar, balik normal na agad ang operasyon sa naturang ahensiya.
Rerebyuhin nila ang CCTV nila sa ahensiya para malaman at masino ang nag-iwan ng granada sa naturang lugar.
- Latest