MANILA, Philippines - Nagpapasaklolo ang isang biktima ng dental malpractice sa Court of Appeals (CA) sa pamamagitan ng pagpapaÂtÂupad ng anim na buwang suspensiyon laban sa isang dentista na nagsagawa ng palpak na dental implant dito ilang taon na ang nakararaan.

Nais ni Norlyn V. Nibre sa kanyang apela sa CA noong Oktubre 23, 2013 na agarang ipataw ang suspensiyon ng anim na buwan ng Professional Regulations Commission (PRC) laban kay Dr. Noel Natividad Velasco.

Kasalukuyang nakabinbin ngayon ang petition for review sa CA laban kay Velasco dahil sa PRC suspension order matapos mapatunayang nagsagawa ng palpak at depektibong dental contract services gaya ng apecoectomy, tatlong dental implants at dalawa pang dagdag na dental implants sa halagang P732,000 kung saan ay nakapagbayad pa ito ng P548,000.

Ayon kay Nibre, marapat lamang na ipatupad ang suspension kay Velasco dahil na rin sa desisyon ng PRC na ito ay incompetent para magsagawa ng oral surgery at dental implantology na dito’y pinasusuko rin ng Board of Dentistry ng komisyon ang CerÂÂtificate of Registration at PRC Identification Card nito bilang isang rehistradong dentista.
 Ani Nibre, nakaranas siya ng traumatikong sakit, pamamaga ng gilagid, mukha at pag-leak ng bone fillers na itinurok ng dentista sa kanya dahilan upang magreklamo siya sa PRC (administratibo) at Quezon City Prosecutor’s Office (estafa) nang tumanggi ang duktor na isauli sa complainant ang naibayad na nito.
Si Velasco ay naglagak ng P20,000 piyansa matapos makitaan ng sapat na baÂsehan ng piskalya ang kasong estafa at nakabinbin ito sa QC Regional Trial Court (RTC).