MANILA, Philippines - Iminungkahi ng Metropolitan Manila Development AuthoÂrity (MMDA) sa mga alkalde ng 17 lungsod at munisiÂpalidad sa Kamaynilaan na magsagawa ng “earthquake census†sa lahat ng gusali at bahay upang matiyak ang kahandaan sakaling tumama ang isang malakas na lindol.
Sa panukala ng MMDA sa ginanap na Metro Manila Council conference sa Malacañang nitong nakaraang MiÂyerkules kasama si Pangulong Benigno Aquino III, napaÂpanahon na umano para mabatid ang kahandaan ng mga gusali at mga bahay sa lindol at iba pang kalamidad at malaÂman kung sumusunod ang mga ito sa “Building Code of the Philippinesâ€.
Maaaring isagawa ang census kasama ang MMDA, mga tauhan ng National Statistics Office, Department of the Interior and Local Government at maging mga engiÂneering students ng iba’t ibang pangunahing paaralan sa Metro ManilaÂ.
Marami umano sa mga gusali at bahay ay nakatayo sa mismong fault line o malapit dito at dapat mabatid ang tibay ng mga istruktura. Bukod dito, dapat ring matukoy ang mga gusali na marurupok na tulad ng mga lumang gusali na makiÂkita sa lungsod ng Maynila at malaman kung naipaÂtutupad ng mga opisyal ng Building Office o City Engineering Office ang Building Code ng bansa.
Sa naturang pulong, iprinisinta ni Philippine InsÂtitute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) chief Renato Solidum ang 2013 Geohazard Map ng Metro Manila. Makikita dito ang mga lugar na dinaraanan ng mga fault line ng lindol at mga delikadong lugar.
Binigyan ng kopya ang mga alkalde lalo na ang mga bagong upo sa puwesto upang makabuo ng sarili nilang pagÂÂhahanda sa posibilidad na pagtama ng kalamidad at maging gabay sa pag-iwas sa pagtatayo ng gusali at ng mga resiÂdential areas sa mga fault lines.