^

Metro

“Earthquake census” sa MM ipinanukala

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iminungkahi ng Metropolitan Manila Development Autho­rity­ (MMDA) sa mga alkalde ng 17 lungsod at munisi­palidad sa Kamaynilaan na magsagawa ng “earthquake census” sa lahat ng gusali at bahay upang matiyak ang kahandaan sakaling tumama ang isang malakas na lindol.

Sa panukala ng MMDA sa ginanap na Metro Manila Council conference sa Malacañang nitong nakaraang Mi­yerkules­ kasama si Pangulong Benigno Aquino III, napa­panahon na umano para mabatid ang kahandaan ng mga gusali at mga bahay sa lindol at iba pang kalamidad at mala­man kung sumusunod­ ang mga ito sa “Building Code of the Philippines”.

Maaaring isagawa ang census kasama ang MMDA, mga tauhan ng National Statistics Office, Department of the Interior­ and Local Government at maging mga engi­neering students ng iba’t ibang pangunahing paaralan sa Metro Manila­.

Marami umano sa mga gusali at bahay ay nakatayo sa mismong fault line o malapit dito at dapat mabatid ang tibay ng mga istruktura. Bukod dito, dapat ring matukoy ang mga gusali na marurupok na tulad ng mga lumang gusali na maki­kita sa lungsod ng Maynila at malaman kung naipa­tutupad ng mga opisyal ng Building Office o City Engineering­ Office ang Building­ Code ng bansa.

Sa naturang pulong, iprinisinta ni Philippine Ins­titute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) chief Renato Solidum ang 2013 Geohazard Map ng Metro Manila. Makikita dito ang mga lugar na dinaraanan ng mga fault line ng lindol at mga delikadong lugar.

Binigyan ng kopya ang mga alkalde lalo na ang mga bagong upo sa puwesto upang makabuo ng sarili nilang pag­­hahanda sa posibilidad na pagtama ng kalamidad at maging gabay sa pag-iwas sa pagtatayo ng gusali at ng mga resi­dential areas sa mga fault lines.

vuukle comment

BUILDING CODE OF THE PHILIPPINES

BUILDING OFFICE

CITY ENGINEERING

DEPARTMENT OF THE INTERIOR

GEOHAZARD MAP

LOCAL GOVERNMENT

METRO MANILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with