MANILA, Philippines - Selos umano ang madalas na dahilan sa pagtatalo ng mag-asawa, hanggang sa maÂpatay ang isang 25-anyos na Overseas Filipino Worker (OFW) ng kaniyang sariling mister sa loob ng kanilang bahay sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Nasawi si Sarah Piang, ng Bldg. 9 Extn., Old Site, Baseco compound, Port Area, sanhi ng saksak sa katawan. Naaresto naman ang suspect na si Ben Anzad, 23, asawa ng biktima.
Sa ulat ni SPO2 Marlon San Pedro ng MPD-Homicide Section, alas-3:00 ng hapon nang matuklasan ang nakahandusay at duguang biktima sa loob ng kanilang bahay kaya agad itong itinawag sa mga awtoridad.
Lumalabas sa imbestigasÂyon na ang palagiang pagseselos ng mister ang dahilan ng palagiang pag-aaway ng mag-asawa na nauwi sa pagpatay. Ayon sa suspect nabigla lamang siya at wala namang planong patayin ang misis.