MANILA, Philippines - Patay ang 36-anyos na jeepney driver makaraang pagbabarilin ng isang lalaki na nagpanggap na pasahero, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.
Nagtamo ng tama ng bala sa mukha ang biktimang si Christopher Enclona ng Bayabas St., Sto. Niño, Brgy. Western Bicutan sa nasabing lungsod.
Sa ulat ng Taguig City PNP, bumibiyahe ang biktima sa kahabaan ng C5 Road nang barilin pagsapit sa bahagi ng Barangay Pinagsama.
Sinabi sa mga imbestigador ng ka-live-in ng bikÂtima na may nakaaway na motorista ang kanyang kinakasama dalawang araw na ang nakalipas dahil sa gitgitan ng sasakyan.
Ang nakaaway na lalaki ng biktima ay namaril kung saan masuwerteng hindi tinamaan matapos paandarin agad ang kanyang jeepney.
Gayon pa man, dalawang araw na hindi pumasada si Enclona matapos na lagnatin, dahil sa insiÂdente na hindi na nila iniulat sa pulisya. Nang gumaÂling, muÂling pumasada ang biktima ngunit dito na ito napaslang.
Hinala ng pulisya, maÂÂaaring inabangan ng gunman ang muling pagpasada ng biktima para isakatuparan ang krimen.