MANILA, Philippines - Inireklamo ang aktor na si Mark Herras matapos na masangkot sa pananakit ang grupo nito sa isang taxi driver dahil lamang sa simpleng gitgitan sa trapiko sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.
Sa ulat ng Quezon City Police-Station 10, si Herras, kasama ang apat pang kalalakihan ay inireklamo ng isang Salvador Ogdiman, 42, ng Daan Tuba, Diliman sa lungsod.
Ayon kay PO2 Myron Foroson, nangyari ang insidente sa panulukan ng Scout Torillo at Scout Rallos St., nitong Sabado ng alas-5 ng hapon.
Ayon kay Ogdiman, sakay siya ng kanyang pinapasadang Cord Taxi (UVG-680), kasunod ang isa pang sasakÂyan at isang itim na RAV 4 na may last digit plate number na 597 nang muntik na niyang makabanggaan.
Dahil wala namang nangyari, dumiretso na si Ogdiman, pero hiÂnabol pa umano siya ng RAV 4 dahilan para siya huminto at buksan ang kanyang bintana.
Nang magbukas din umano ng bintana ang grupo ni Herras at doon ay pinagsalitaan siya ng masasamang saÂlita, bago tuluyang nagsipagbabaan ang mga una na kinabibilaÂngan ng limang lalaki kasama si Herras.
Bumaba na rin ng taxi si Ogdiman hanggang sa lapitan siya ng isa sa kasamahan ng aktor at sinuntok sa mukha at likuran ng ulo.
“Kilalang-kilala ko po si Mark Herras, kasi idol ko siya, sayang lang po dahil masama ang ginawa niya, si Mark Herras po ang may hawak ng parang tubo ng oras na ’yon, pero inawat lang siya ng ilang kasamahan,†sabi pa ni Ogdiman.
Natigil lamang ang panaÂnakit nang magpasya si Ogdiman na umalis sa lugar, saka nagtungo sa malapit na ospital para magpagamot, bago tuluyang nagtungo sa himpilan ng PS10 para magreklamo.