MANILA, Philippines - Inaresto ng mga tauhan ng Pasay City Police ang dalawang bagitong pulis at kasabwat nilang taxi driver nang pagtangkaang kikilan ang isang Korean national sa loob ng isang hotel sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Chief Insp. Joey Goforth, hepe ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay police ang mga dinakip na parak na sina PO1 Marciano Trozado, 29; PO1 Mark Anthony Santos, 29, kapwa nakatalaga sa Las Piñas Police Community Precinct (PCP) 6 at ang kaÂsabwat nilang taxi driver na si Jesus Bajamundi, 41.
Inireklamo ng kasong extortion ang tatlo ng biktimang si Lee Young Su, 32-anyos, pansamantalang nanunuluÂyan sa Tower C Antel SeaÂview, Roxas Blvd., Pasay.
Sa ulat, sinabi ni Lee na una siyang naghanap ng mabibilhan ng “savings paper bonds†sa internet at nasumpungan ang pangalan ng isang kapwa Koreano na nagbebenta nito sa isang advertising site. Nang kanyang tawagan, nakipagkasundo si Lee na makikipagkita sa Heritage Hotel sa Pasay City para bumili siya ng “savings paper bonds†sa halagang P20,000.
Nang dumating sa naÂturang hotel dakong alas-9:10 ng gabi, sa halip na ang kaÂusap na Koreano ang makipagkita ay hinarap siya ni Bejamundi at ng dalawang pulis.
Inabutan siya ni Bejamundi ng isang papel na may nakasulat sa wikang Koreano na nanghihingi ng 10,000 won o P400,000 na katumbas na ipinadedeposito sa isang Korean bank account.
Nakasaad pa sa liham na kailangang maideposito niya ang naturang halaga sa loob ng isang oras at kung hindi magagawa ay aarestuhin siya ng dalawang pulis na nagpakilalang mga tauhan umano ng National Bureau of Investigation (NBI).
Kaagad namang humingi ng tulong si Lee sa mga security personnel ng Heritage Hotel na siya namang tumawag sa Pasay City Police Community Precinct (PCP) 6. Nang dumating ang mga pulis, inimbitahan ang daÂyuhan at ang tatlong suspek sa istasyon hanggang sa masampahan ng kaso ang mga huli.