^

Metro

2 paslit natupok sa sunog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang magka­patid na paslit matapos na sumiklab ang isang sunog sa Makati City, kahapon ng madaling-araw.

Natagpuan ang sunog na bangkay ng magkapatid na sina Rose Ann Ariola, 6; at Robert, 4, sa bahagi ng bumagsak na ikalawang palapag ng kanilang bahay sa Macda Compound, Brgy. Cembo.

Halos hindi naman ma­kausap dahil sa tindi ng pagdadalamhati ang ama ng mga biktima na si Emmanuel Ariola. 

Sa paputul-putol na pagsasalita nito, sinabi ni Ariola na sandali siyang­ umalis ng bahay upang tingnan ang puwesto nila sa palengke at naiwan ang mga anak na natutulog sa kanilang kuwarto bago sumiklab ang sunog.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-12:05 ng mada­ling-araw nang sumiklab ang apoy na sinasabing nagmula sa bahay ng isang Aida Ambong sa Macda Compound, Brgy. Cembo matapos na may maka­away sa loob ng bahay nito. 

Dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay ng ilang informal settlers, kumalat ang apoy at tumawid sa San Jose St. sa Guadalupe Nuevo kung saan nadamay naman ang ilan pang mga establisimento.

Dakong ala-1:42 ng madaling-araw nang magdeklara ang Makati Fire Depatment ng fire under control at dakong alas-3:10 na ng madaling araw nang ganap na maapula ang sunog na umabot sa general alarm.

Tinatayang nasa 500 kabahayan at establisimento ang natupok kung saan nasa 2,000 katao ang apektado.

Karamihan sa mga ito ay tumuloy sa mga paaralan bilang evacuation area habang ang ilan naman ay natulog sa kahabaan ng J.P. Rizal Extension upang bantayan ang kanilang mga naisalbang gamit.

Umaksyon na umano ang pamahalaang lungsod ng Makati para bigyan ng tulong ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog lalo na sa pagkain at gamit.

Bukod sa magkapatid na paslit na nasawi, tatlo pang residente ang nasaktan sa naturang sunog.

 

vuukle comment

AIDA AMBONG

BRGY

CEMBO

EMMANUEL ARIOLA

GUADALUPE NUEVO

MACDA COMPOUND

MAKATI CITY

MAKATI FIRE DEPATMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with