MANILA, Philippines - Matapos maaktuhang waÂlang suot na helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo, dalawang pulis-Maynila ang sinibak kahapon sa puwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) DiÂrector Chief Supt. Marcelo Garbo Jr. kahapon ng umaga.
Ang mga sinibak ay sina PO2s Nuñez at Paes, na nakatalaga sa Barbosa Police Community Precinct ng MPD Station 3 at bilang command responsibility, pinasisibak din ni Garbo sa puwesto ang superior ng dalawang pulis na sina Senior Supt. Ricardo Layug, hepe ng MDA Station 3 at Barbosa PCP comÂmander na si Senior InsÂpector Robinson Maranion.
Base sa report, patungo ng La-Loma Police Station si Garbo upang magsagawa ng surprise inspection kahapon ng umaga nang maaktuhan niya sina PO2s Nuñez at Paes na nakasuot ng uniÂporme na nakasakay sa motorÂsiklo na walang suot na helmet at kanya itong sinita.
Hanggang sa nalaman umano ni Garbo na pulis-Maynila ang dalawa at nakaÂtalaga sa Barbosa PCP ng MPD Station 3.
Bukod pa rito, nakita rin ni Garbo na isa sa dalawang pulis ay may bigote na kung saan mahigpit itong ipinagbaÂbawal sa isang alagad ng batas.
Nauna rito, 8 pulis MunÂtinlupa City ang sinibak din ni Garbo matapos ma-late sa pagdalo ng command conÂÂference na ginanap sa Muntinlupa City HeadÂquarters.