^

Metro

2 parak ’di gumamit ng helmet, sinibak

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos maaktuhang wa­lang­ suot na helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo, dalawang pulis-Maynila ang sinibak kahapon sa puwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Di­rector Chief Supt. Marcelo Garbo Jr. kahapon ng umaga.

Ang mga sinibak ay sina PO2s Nuñez at Paes, na nakatalaga sa Barbosa Police Community Precinct ng MPD  Station 3 at bilang command responsibility, pinasisibak din ni Garbo sa puwesto ang superior ng dalawang pulis na sina Senior Supt. Ricardo Layug, hepe ng MDA Station 3 at Barbosa PCP com­mander na si Senior Ins­pector Robinson Maranion.

Base sa report, patungo ng La-Loma Police Station si Garbo upang magsagawa ng surprise inspection kahapon ng umaga nang maaktuhan niya sina PO2s Nuñez at Paes na nakasuot ng uni­porme na nakasakay sa motor­siklo na walang suot na helmet at kanya itong sinita.

Hanggang sa nalaman umano ni Garbo na pulis-Maynila ang dalawa at naka­talaga sa Barbosa PCP ng MPD Station 3.

Bukod pa rito, nakita rin ni Garbo na isa sa dalawang pulis ay may bigote na kung saan mahigpit itong ipinagba­bawal sa isang alagad ng batas.

Nauna rito, 8 pulis Mun­tinlupa City ang sinibak din ni Garbo matapos ma-late sa pagdalo ng command con­­ference na ginanap sa Muntinlupa City Head­quarters.

BARBOSA

BARBOSA POLICE COMMUNITY PRECINCT

CHIEF SUPT

LA-LOMA POLICE STATION

MARCELO GARBO JR.

MAYNILA

MUNTINLUPA CITY HEAD

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with