MANILA, Philippines - Idedeploy ng Metropolitan Manila Development AuthoÂrity (MMDA) ang kanilang mga tauhan para magsagawa ng paglilinis hinggil sa nalalapit na araw ng Undas.
Inatasan ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang mga tauhan upang tumulong sa lokal na pamahalaan para sa pangongolekta ng basura, pagwawalis at pagÂpipintura ng mga nitso bilang bahagi ng programa ng ahensiya para sa “Oplan Kaluluwa 2013â€.
Idinagdag pa nito na may sampung araw na magsasagawa nang paglilinis sa mga sementeryo ang mga itataÂlagang MMDA personnel. Bukod sa paglilinis, tatanggalin din ng mga ito ang mga nakakaÂabala sa mga sidewalk at anumang magiging sanhi ng traffic obstructioÂn upang makabawas sa pagsisikip ng daloy ng trapiko mismo sa Araw ng Undas.
Kabilang sa mga semenÂteryong tututukan ng MMDA ay ang Makati South Cemetery, San Felipe Roman Catholic Cemetery sa Mandaluyong City, Manila North at La Loma Cemeteries, Bagbag at SanganÂdaan Cemeteries sa Quezon City.