^

Metro

Clean-up teams idedeploy ng MMDA sa Undas

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Idedeploy ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) ang kanilang mga tauhan para magsagawa ng paglilinis hinggil sa nalalapit na araw ng Undas.

Inatasan ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang mga tauhan  upang tumulong sa lokal na pamahalaan  para sa pangongolekta ng basura, pagwawalis at pag­pipintura ng mga nitso  bilang bahagi ng programa ng ahensiya para sa “Oplan Kaluluwa 2013”.

Idinagdag pa nito na may sampung araw na magsasagawa nang paglilinis sa mga sementeryo ang mga itata­lagang MMDA personnel. Bukod sa paglilinis, tatanggalin din ng mga ito ang mga nakaka­abala sa mga sidewalk at anumang magiging sanhi ng traffic obstructio­n upang makabawas sa  pagsisikip ng daloy ng trapiko mismo sa Araw ng Undas.

Kabilang sa mga semen­teryong tututukan ng MMDA ay ang Makati South Cemetery, San Felipe Roman Catholic Cemetery sa Mandaluyong City, Manila North at La Loma Cemeteries, Bagbag at Sangan­daan Cemeteries  sa Quezon City.

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

LA LOMA CEMETERIES

MAKATI SOUTH CEMETERY

MANDALUYONG CITY

MANILA NORTH

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

OPLAN KALULUWA

QUEZON CITY

SAN FELIPE ROMAN CATHOLIC CEMETERY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with