Brgy. tanod utas sa tandem

Bulagta makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem ang barangay tanod na si Juanton Paredes sa barangay Holy Spirit sa lungsod Quezon kahapon ng umaga. (Kuha ni Boy Santos)

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hinihinalang hired killers na riding-in-tandem ang isang barangay tanod ng Brgy. Holy Spirit,-sa lungsod Quezon,-kahapon ng  umaga.

Ayon kay P/Supt. Eleazar Pepito Mata, hepe ng Batasan Police Station 6 ang biktima ay nakilalang si Juanton Paredes, 38, ng Saint Joseph St., Brgy. Holy Spirit.

Si Paredes  ay dead-on-the-spot  sa  pinangyarihan ng krimen bunga ng tinamong mga tama ng bala ng .45 kalibre ng baril sa ulo.

Sa ulat ng pulisya, ganap na alas-7: 20 ng umaga nang maganap ang insidente sa ter­minal ng tricycle sa Republic Avenue.

Nabatid na sakay ang biktima ng tricycle nang tapatan ng  mga suspect at saka ito binaril sa ulo ng dalawang  beses.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD ang motibo ng krimen at kung sino ang posibleng may kinalaman dito.

Show comments