Brgy. tanod utas sa tandem
MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hinihinalang hired killers na riding-in-tandem ang isang barangay tanod ng Brgy. Holy Spirit,-sa lungsod Quezon,-kahapon ng umaga.
Ayon kay P/Supt. Eleazar Pepito Mata, hepe ng Batasan Police Station 6 ang biktima ay nakilalang si Juanton Paredes, 38, ng Saint Joseph St., Brgy. Holy Spirit.
Si Paredes ay dead-on-the-spot sa pinangyarihan ng krimen bunga ng tinamong mga tama ng bala ng .45 kalibre ng baril sa ulo.
Sa ulat ng pulisya, ganap na alas-7: 20 ng umaga nang maganap ang insidente sa terÂminal ng tricycle sa Republic Avenue.
Nabatid na sakay ang biktima ng tricycle nang tapatan ng mga suspect at saka ito binaril sa ulo ng dalawang beses.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD ang motibo ng krimen at kung sino ang posibleng may kinalaman dito.
- Latest