Labanan ng mga politiko, matindi 10 barangay sa MM, nasa hotspot list
MANILA, Philippines - Sampung baÂrangay sa Metro Manila ang inilagay sa “election hotspot list†ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) dahil sa init ng tungÂgalian ng mga lokal na politiko na tumatakbo ngayong darating na barangay elections.
Kabilang sa mga barangay na nakaÂsama sa talaan ang Barangay 503 sa Maynila; Barangay 587 sa Caloocan City; BaÂrangay Wawang Pulo sa Valenzuela City; Barangay Maharlika sa Taguig City; BaÂrangay Pineda sa Pasig City; Barangay Pio del Pilar sa Makati City; Barangay Sto. Domingo sa Quezon City; Barangay Catmon sa Malabon City; Barangay Navotas West; at Barangay North Bay Boulevard South sa Navotas City
Napabilang ang mga ito sa election watchÂlist o hotspots dahil sa mga beripiÂkadong ulat na maÂtindi ang tunggalian ng mga kandidato.
Pinagbatayan din ang mga dati nang nangyaring karahaÂsan sa halalan sa mga nasabing lugar.
Una nang inilagay ng NCRPO sa “areas of imÂmediate con cern†ang 30 baÂrangay sa Metro Manila kung saan doble ang puÂwersa ng pulisya ang itatalaga.
Kamakailan, isang tumatakbong chairman sa isang baÂrangay sa Caloocan ang binaril at naÂpatay, habang pinagtangkaan din umanong saksakin ang aktres na si Angelika dela Cruz na tumatakbong chairman din sa Brgy. Longos sa Malabon.
- Latest