^

Metro

Paghahanda sa lindol dormitory, gusali sa U-Belt, iinspeksiyunin

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bilang paghahanda laban sa malakas na lindol, nakatakdang magsagawa bukas ng  inspection  ang Manila City hall sa mga dormitoryo at gusali  sa  University belt area.

Ayon kay City Administrator Simeon Garcia, pangungunahan niya dakong alas 8 ng umaga bukas ang inspeksiyon sa mga dormitoryo sa Morayta at España.

Aniya, dapat na malaman  kung anong mga dormitoryo  at gusali ang dapat ng isara upang maiwasan  na mangyari ang  trahedya   na gumulantang sa lalawigan ng  Bohol at Cebu noong  Martes.

Sinabi ni  Garcia, na magkakaroon ng  composite team na siyang  magsasagawa ng inspection upang masilip ang mga paglabag ng mga may-ari  ng gusali at dormitoryo.

Kinabibilangan ito ng  Building official,  city electrician,  at maging ang sanitation division.

Binigyan-diin ni Garcia na mas dapat na unahin ang kapakanan ng mga estudyante gayundin ang publiko na dumaraan sa nasabing lugar.

“Mas mabuti na ‘yung handa, dahil kaligtasan ng   publiko ang  nakasalalay dito”, ani  Garcia.

Sakali umanong may mga paglabag sa mga dormitoryo, agad itong ipasasara ng  city hall.

Dagdag pa ni Garcia, alam dapat ng mga may-ari ng  gusali at dormitoryo ang kanilang responsibilidad sa  mga estudyante at mga nangungupahan.

Matatandaan na  mahigit 150 katao ang  namatay sa 7.2 lindol na yumanig sa Bohol.

ANIYA

AYON

BILANG

BOHOL

CITY ADMINISTRATOR SIMEON GARCIA

GARCIA

MANILA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with