MANILA, Philippines - Kritikal ang kalagayan ng isang 9-anyos na apo ng isang tabloid reporter makaraang pagtulungang bugbugin umano ng dalawa niyang kaklase sa loob ng paaralan sa Malabon City, kamaÂkalawa ng umaga.
Inoobserbahan ngayon sa Children’s Hospital makaraang magtamo ng pinsala ang atay at baga ng biktimang si Fred Mendoza, grade 4 pupil ng Tañong Unit I Elementary School. Ang biktima ay apo ni Maeng Santos, reporter ng pahayagang Bulgar.
Nakatakdang ipagharap naman ng reklamo ang mga magulang ng mga kaklase ng biktima na nasa edad 9 at 11-taong gulang.
Sa ulat ng Malabon City Police, nagÂlalaro ang biktima sa school grounds dakong alas-10:30 ng umaga habang “break time†nang lapitan ng dalawang bata at pagkatuwaan. Hinubaran pa umano ng isa sa mga suspect na bata si Mendoza habang sinuntok at sinipa ito sa sikmura ng isa pa. Dito umano pumalahaw ng iyak at namilipit sa sakit ng tiyan ang biktima. Agad na umuwi ito ng bahay at nagsumbong sa mga magulang.
Kinagabihan, patuloy na nanginginig sa sakit ang batang biktima, walang puknat sa pag-iyak at mataas ang lagnat kaya napilitan ang mga magulang na isugod na ito sa pagamutan. Dito nabatid sa mga manggagamot na naapektuhan umano ang atay at baga nito dahil sa pambubugbog.
Patuloy naman ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente ng panibagong pambu-bully kung saan inaalam rin kung may pananagutan dito ang mga guro at pamunuan ng paaralan.