^

Metro

ACRI-Card laging dalhin - Mison

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang maiwasan ang anumang  aberya, pinayuhan  ng Bureau of Immigration ang mga dayuhan na laging dalhin ang kanilang Alien  Certificate of Registration Identity Card (ACR I-Card) lalo pa at ito ang katunayan ng kanilang legal na paninirahan  at pananatili sa Pilipinas.

Ayon kay BI Officer-in-Charge Siegfred Mison na ang pagkakaroon ng ACR I-Card ay nakatutulong  sa dayuhan na makaiwas sa  mga problema  sa pakikipagtransaksiyon.

Aniya,  ang  ACRI-Card ay microchip-based identification card na iniisyu sa mga rehistradong dayuhan, kapalit ng dating  paper-based ACR. Nagtataglay din ito ng computer chip na may biometric security features na  at maaaring i-update electronically.

Ang nasabing card ay nagsisilbi ring Emigration Clearance­ Certificate (ECC), Re-entry Permit (RP) at  Special Return Certificate (SRC) sa holder sa sandaling maka­bayad ng tinatakdang halaga.

Kasabay nito ay binalaan ni Mison ang mga dayuhan na mag-ingat sa mga peke at pinapalsipikang ACRI-Cards.

 

ANIYA

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

CERTIFICATE OF REGISTRATION IDENTITY CARD

EMIGRATION CLEARANCE

I-CARD

OFFICER-IN-CHARGE SIEGFRED MISON

SPECIAL RETURN CERTIFICATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with