^

Metro

Crime rate sa Maynila, bumaba

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumaba ang crime rate ng lungsod ng Maynila.

Ito naman ang  binigyan-diin ni Manila Police District (MPD)- Deputy District Director for Administration Sr. Supt. Ronald Estilles  sa pagdalo nito sa forum sa  Mabuhay Restop na inorganisa ng Manila City Hall Press Club (MCHPC).

Ayon kay Estilles, bumaba ang crime rate sa Maynila sa  ilalim ng pamunuan ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.

“Statistically speaking, bumaba ang naiulat na crime rate sa Maynila, dahil walang mga highly sensational crime na nangyari dito na katulad ng Davantes murder case,” ani Estilles.

Lumilitaw sa record ng MPD na mula Sept 28 hanggang October 15, 2013 ay  nakaaresto sila ng 22 katao na lumabag sa gun ban, nakakumpiska ng  10 baril, isang replica ng firearms, 11 bladed weapon, isa rin ang naaresto sa paglabag sa illegal possession of firearms habang naisulong nila ang kaso sa korte laban sa 22 naaresto,.

Kaugnay nito, nagkakaisa sa panawagan sina Estiles, Chief Inspector Claire Cudal hepe ng Public Information Office (MPD-PIO) at Chief Inspector Erwin Margarejo, chief ng District Police Community Relations Division ng MPD,  sa mga mambabatas na ibalik na ang parusang bitay sa bansa upang manumbalik ang katiwasayan sa bansa.

Hiniling din nina Estilles ang pagrebisa sa Revised Penal Code (RPC) na anila’y lumang batas na kinakailangan ng rebisyon para sa mahigpit na pagpapatupad ng batas laban sa mga kriminal.

“Hanggang pinapayagan natin ang mga kriminal na makapagpiyansa, patuloy ang mga carnapper na manga­ngarnap, patuloy ang panghoholdap ng mga holdaper, dahil napakaliit na piyansa lamang at maari muli silang makagala at makapambiktima sa mga kawawang mamamayan,” ani Margarejo.

 

ADMINISTRATION SR. SUPT

CHIEF INSPECTOR CLAIRE CUDAL

CHIEF INSPECTOR ERWIN MARGAREJO

DEPUTY DISTRICT DIRECTOR

DISTRICT POLICE COMMUNITY RELATIONS DIVISION

ESTILLES

MABUHAY RESTOP

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with