MANILA, Philippines - Arestado ang tatlong kiÂlabot na mandurukot kabilang ang dalawang babae nang masakote ng mga pulis matapos biktimahin ang isang pampaherong jeep kahapon sa Pasay City.
Nakakulong ngayon sa Pasay City Police ang mga susÂÂpect na sina Freddie Casbadillo, 30, ng #1847 GoquioÂlay St., Pasay City; Perlita Flores, 38, ng #405 Osmeña St., Brgy. 112 at Jannet VillaÂnueva, 42, ng #401 B. Perla St., kapwa taga-Tondo, Manila.
Sa report na natanggap ni Chief Insp. Joselito Santa Teresa, hepe ng Special OpeÂration Unit (SOU) ng Pasay City Police, nakatanggap sila ng reklamo mula sa mga estudyante ng Pasay City West High School hinggil sa pandurukot ng mga suspect kahapon sa isang pampasaherong jeep.
Bilang aksyon ay nagsagawa ng operasyon ang mga pulis sa isang pampaÂsaherong jeep na may biyaheng BaclaÂran at FB Harrison at lantarang ipinakita ng esÂtudyanteng nagpanggap na biktima ang kanyang pera habang nagbabayad ng pasahe sa driver ng jeep at ang isa sa mga suspect na si Flores ang bumitin sa estribo na armado ng ice pick.
Kusang inilawit ng umaktong biktima ang kanyang wallet sa kaliwang bulsa na unti-unti namang dinudukot ni Flores ang pera.
Matapos makuha ni Flores ang pera ay kaagad itong bumaba at sumunod dito ang dalawa pang suspect.
Dito na umaksiyon ang mga pulis at dinakip nila ang tatlo at pagdating ng mga ito sa himpilan ng Pasay City Police Headquarters ay na-recover ang wallet ng estudyante ng Pasay City West High School na nagpanggap na biktima.