Lalaki hulog mula sa rooftop, lasog

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki makaraang mahulog mula sa rooftop ng bahay ng kanyang kapitbahay sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon kay PO1 Julius Raz, nakilala ang nasawi na si Fredbert Dormile, 36, residente ng   Natividad St., Brgy.  Paltok, Quezon City.

Naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi mula sa rooftop ng isang bahay­ na may dalawang pa­lapag sa Del Monte Avenue, Brgy. Paltok.

Sabi ng imbestigador, ang bahay ay kadikit lamang ng tinu­tuluyan ng biktima. Na­gawa pang maitakbo ang biktima ng kanyang kapatid na si Larry sa Quezon City General Hospital (QCGH) pero nasawi rin ito habang ginagamot.

Kaugnay nito, sabi ni Raz, hindi naman malinaw kung tumalon­ o aksidenteng nahulog ang biktima mula sa bahay dahil nakita na lang umano itong bumulusok ng kanilang kapitbahay.

Maging ang pamilya ng biktima ay nagsabi sa imbes­tigador na hindi nila alam kung bakit nasa bubungan ang nasawi.

Show comments