MANILA, Philippines - Isang negosyante na suma-sideline bilang drug dealer ang naaresto ng mga element ng antiÂ-narÂcotics agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang drug bust operation sa Biliran.
Kinilla ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang akusadong si Eleodoro SulivaÂ, alyas Boy Negro, 28, ng Biliran, Biliran. Suliva.
Ang suspek ay ika-4 sa target list ng drug personalities ng PDEA Regional Office 8 (PDEA RO 8).
Sinasabing si Suliva ay nahuli matapos makiÂpag transaksiyon sa isang PDEA agent na umaktong buyer ng shabu.
Nakuha sa akusado ang dalawang plastic sachet ng shabu, isang black Honda motorcycle at P1000 bill na ginamit sa buy-bust money.
Kinasuhan na ng paglabag sa Section 5 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, dalawang kilabot na ‘tulak’ din ang naaresto ng PDEA operatives sa isang drug bust operation sa Pasig City.
Kinilala ang mga suspek na sina Danny MaÂngaduwal, 28 at isang Sarah Ulama, 40, kapwa ng Pinagbuhatan, Pasig City.
Nakuha sa mga suspek ang 50 gramo ng shabu na may halagang P150,000 at dalawang P500 bill na gamit sa marked money.