MANILA, Philippines - Sa kabila ng pag-amin sa pagdukot at pagnanakaw sa adverÂtising executive na si Kristelle Davantes, not guilty plea naman ang inihain ng dalawa sa mga suspek sa pagpaslang sa biktima sa isinagawang arraignment sa Las Piñas City Regional Trial Court kahapon.
“Not guilty†ang kapÂwa isinagot nina Reggie Diel at Lloyd Benedict Enriquez nang basahan ng sakdal sa sala ni Judge Salvador Timbang, Jr. ng Branch 253 sa kasong homicide. Sa kabila nito, umaÂmin naman ang dalawa sa kasong robbery.
Una nang sinabi ni Diel na hindi siya ang pumaslang kay DaÂvantes dahil sa pinagmaneho lamang siya ng mga kasamahan ng kanilang get-away car habang sina Jomar Pepito at Samuel DeÂcimo ang nakasama ng biktima sa sasakyan nito.
Itinanggi rin ni Enriquez na siya ang personal na pumaslang kay Davantes na unang plano lamang nila na pagnakawan ngunit wala siyang alam na paÂpaslangin ito ng mga kasamahan.
Bukod kina Pepito at Decimo, hindi pa rin nababasahan ng sakdal ang mga suspek na sina Joric Evangelista at ang patuloy na nakakalaya na si Baser Minalang. Hindi naman mabatid kung tuluy-tuloy pa rin ang manhunt operations kay Minalang makaraang ideklara na ng Task Force Davantes na naresolba na ang kaso.
Matatandaan na dinukot ng mga salarin si Davantes noong madaling-araw ng SetÂyembre 7 habang paÂpasok sa kanyang bahay sa Moonwalk Village sa Las Piñas City.
Natagpuan ang bangkay ni Davantes maÂkaraan ang ilang oras sa ilalim ng isang tulay sa Silang, Cavite.