MANILA, Philippines - Kokontrolin at lilimitahan na ng MetropoÂlitan Manila Development Authority (MMDA) ang paggamit ng mga kandidato sa darating na barangay elections sa Oktubre 28 sa mga panguna hing kalsada sa kanilang motorcades at mga caravans upang hindi makadagdag sa matinÂding pagbubuhol ng daÂloy ng trapiko.
Ito ay makaraang apÂrubahan ng Commission on Elections ang petisyon na isinumite ng MMDA.
Ipinasa ng Comelec en banc ang Resolution Number 9749 na muling binubuhay ang unang ipinasang Resolution 9666 na nagbibigay ng awtoÂridad sa MMDA para sa pamamahala sa mga pangunahing lansaÂngan tulad noong nakaraang mid-term elections nitong nakalipas na Abril.
Nilinaw ng MMDA na hindi nila ipinagbabawal ang pagsasagawa ng anumang election campaign activity sa mga paÂÂngunahing kalsada ngunit nais nila itong liÂmitahan o kontrolin para na rin sa maayos na daloy ng trapiko.
Kabilang sa tinukoy na pangunahing kalÂsada ay ang EDSA, C-5, Quezon Avenue, Marcos Highway, Commonwealth Avenue, EsÂpaña Boulevard, E. RodÂriguez Sr. Avenue, Ramon Magsaysay AveÂnue, President Quirino Avenue, Aurora BouleÂvard, Ortigas Avenue, Shaw Boulevard, MIA Road, Domestic Road, Andrews Avenue, South Super Highway, Taft Ave nue, Roxas Boulevard, Araneta Avenue, AH. Lacson Street, Rizal Avenue, Katipunan AveÂnue, at A. Bonifacio AveÂnue.
Ayon sa MMDA, ang pagkakaroon lamang ng hindi organisadong motorcade o caravan sa nabanggit na mga kalsada ay agad na magdudulot ng pagbuÂbuhol ng trapiko kung saan apektado rin ang iba pang mga kalsada.