MANILA, Philippines - Nagliyab ang isang pampaÂsaÂÂÂheÂrong bus maÂtapos masunog sa Edsa sa kanto ng New York St., Cubao, Quezon City, kahapon ng umaga.
Ayon sa ulat kay Supt. Jesus Fernandez District Fire Marshal ng Bureau of Fire Protection-QC nagÂliyab ang ComÂmuters Bus (TXL-836) sa kahabaan ng Edsa kanto ng New York St., Cubao, sa tapat ng RCPI daÂkong alas-10:08 ng umaga.
Sinasabing tinatahak ng ComÂmuters bus na biyaheng BacÂlaran-Ayala–Fairview ang kahabaan ng Edsa nang magliÂyab ito sa hindi pa mabatid na kadahilanan.
Agad nagbabaan ang mga pasahero ng bus dahil sa takot maÂtapos mabilis na kumalat ang apoy.
Makalipas ang ilang minuto agad din naÂapula ang apoy sa na susunog na bus.