Koreano, nagbigti

MANILA, Philippines - Isang Koreano  ang natagpuang patay matapos na magbigti sa  loob ng kanyang tinutuluyang condominium sa Malate, Maynila kamakalawa ng hapon.

Hinihinalang may ilang oras nang patay si Jai Young Am, nanunuluyan sa Room 2501 Alpha Grand View Condominium  sa  Malate, Manila matapos itong matagpuan dakong alas- 2 ng hapon kamakalawa.

Ayon kay Num Hwan, kaibigan ng biktima, pinuntahan niya ang unit ng nasawi subalit ilang beses na siyang kumakatok  at walang sumasagot  maging ang tawag nito sa kanyang cellphone  kung kaya’t  ipinagbigay alam  na niya sa pamunuan ng condominium.

Gamit ang duplicate key, binuksan ang pintuan ng condo ng biktima kung saan tumambad sa kanila ang nakabitin nitong katawan sa loob ng banyo gamit ang isang kumot. Hulyo pa nang dumating ang biktima sa bansa.

Inaalam pa ng pulisya kung may foul play sa kanyang  pagkamatay at kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay ng nasabing Korean national.

Show comments