Kilos protesta ikinasa vs oil price hike
MANILA, Philippines - Ikinasa kahapon ng militanteng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang isang malawakang kilos protesta sa darating na araw ng Huwebes (Oktubre 17 ) para kondenahin ang anila’y walang humpay na pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo.
Sinabi ni Goerge San Mateo, national president ng Piston, dapat pa ngang buÂmaba ang presyo ng langis sa world market kaya malinaw anya na overpricing at panloloko ang oil price hike kaya dapat anyang ipaliwanag ng Depatment of Energy kung bakit mataas ang presyo ng petrolyo sa halip na rollbak ang gawin.
“Ang masaklap, nagpapatuloy na mas mataas ang presyo ng diesel at gasolina sa mga lalawigan lalo na sa Visayas at Mindanao. Nasa pagitan ng P5 hanggang P7 ang taas ng halaga ng diesel at gasolina sa Visayas at Mindanao kumpara sa Metro Manila, kaya naman mas doble-hirap ang buhay ng mga drayber at kanilang pamilya sa mga lugar na yun,†pagdidiin ni San Mateo.
“Oras na maipatupad ang panibagong oil price hike ay aabot na sa pagitan ng P48.75 hanggang P51.75 ang diesel sa Visayas at Mindanao habang aakyat naman sa P58.15 hanggang P60.15 ang presyo ng gasolina sa naturang mga lugar,†paliwanag pa ni San Mateo.
Bunga nito, nais ng Piston na gawing P6 ang discount ng mga passenger vehicle driver sa pagkakarga ng dieseÂl at gasolina sa halip na P1 dahil sa hindi na ito sapat na kasaluÂkuyang halaga ng produktong petrolyo.
- Latest