MANILA, Philippines - Isang jeepney driver ang nasawi makaraang pagbabarilin sa ulo ng riding-in- tandem suspect habang ang una ay sakay ng kanyang pinapasadang sasakyan sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.
Kinilala ang biktima na si Alexander Galvez, 42, ng Phase 3, Package 1, Block 1, Lot Excess, Bagong Silang, Caloocan City.
Dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo ang resÂponsable sa pamamaril sa biktima, subalit tanging ang driver nito lamang ang siyang namaril sa huli.
Nangyari ang insidente sa harap ng Fairview Central Market, sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Brgy. Greater Fairview, ganap na alas-10:45 ng gabi.
Sabi ng isang Sheryl Unio, nakatayo siya sa harap ng naturang palengke nang makita niya ang isang motorsiklo na humaharurot sakay ang mga suspect, saka huminto sa tabi ng jeepney ng biktima (NYA-348) na may biyaheng Delta-Panay AveÂnue kung saan bigla itong pinagbabaril ng suspect.
Matapos ang pamamaril ay agad na bumaba ng motorÂsiklo ang angkas nito saka sumakay sa pampasaherong bus patungong Quezon City Circle habang ang kasama nitong nagmamaneho ng motorsiklo ay humarurot naman patungong SM Fairview.
Inaalam pa ang motibo sa krimen.