MANILA, Philippines - Tinatayang nasa P1.5-milyong halaga ng ari-arian ang naabo sa sunog na naganap sa two storey apartment sa San Juan City, kahapon ng madaling-araw.
Ayon sa inisyal na report ng San Juan City Bureau of Fire Protection (BFP) dakong alas-3:50 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa bahay ng negosyanteng si Manuel Dino, 69 sa #3 Monroe St., West Greenhills
sa lungsod.
Sa imbestigasyon ni FO2 Noel Binwag, nagsimula ang apoy sa isang silid ng pamilya Dino sa ikalawang palapag ng kanilang bahay na naging dahilan upang mabilis na magtakbuhan ang mga miyembro ng
pamilya palabas.
Dahil na rin sa mabilis na pag responde ng mga kagawad ng pamatay-sunog sa pangunguna mismo ni San Juan City Fire Marshall Chief/Insp. Gilbert Dolot ay agad na naapula ang apoy.
Nagtagal ang sunog ng halos isang oras na umabot ng 2nd alarm bago tuluyan idineklara na fire out ganap na alas-4:45 ng umaga.
Wala naman naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing sunog.