Training, seminars ng MTPB simula na ngayon
MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Vice Mayor Isko Moreno na mas magiging epektibo at maayos ang pagpapatupad ng traffic rules sa lungsod sa sandaling matapos ang mahigpit na training at seminars ng mga traffic enforcers ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).
Ang paniniyak ay ginawa ni Moreno kasabay ng pagsisimula ng 15-day traffic training at seminar ngayong Lunes hanggang Oktubre 31.
Ayon kay Moreno na siya ring Manila’s Traffic Czar, karamihan sa mga traffic enforcers ay kulang sa kaalaman at walang ganang magtrabaho bunsod na rin ng mababang sahod.
Sinabi ni Moreno na panahon na upang mabigyan ng respeto ang mga traffic enforcers kasabay ng pagpapaluwag ng daloy ng trapiko sa Maynila.
Nabatid na kabilang sa traffic training ang Actual Riding Course, Traffic Accident Respondent Course at Traffic Enforcement at Direction and Control.
Nagpa-alala din si Moreno na isang beses lamang ang training at eÂxams na ibibigay sa mga papasok na traffic squad.
Kasabay nito, ipinakita na rin ni Moreno ang mga motorsiklo na gagamitin ng mga traffic enforcers na nakapasa sa training at exams. Aniya, mula uniform at gadgets ay ibibigay sa mga enforcers upang mas maging epektibo ang kanilang serbisyo.
Sinabi naman ni MTPB Director Carter Don Logica na mas rerespetuhin ng publiko ang mga traffic enforcers kung sapat ang kanilang nalalaman at tamang sistema sa paghuli sa mga lumalabag sa batas.
- Latest