Pandurukot, snatching talamak sa Maynila

MANILA, Philippines - Nanawagan ang publiko partikular ang mga commu­ters  ng Light Rail Transit (LRT) kay Manila Mayor Joseph Estrada na aksiyunan ang talamak na insidente ng  pandurukot, snatching at holdapan sa Plaza Lacson sa Maynila.

Isa  sa  mga nabikti­ma ng mga mandurukot ng kababaihang menor de edad  sa nasabing lugar ay ang reporter na si Shiela Crisostomo ng Philippine Star.

Ang Plaza Lacson ay nasasakupan ni  Manila Police District-Station 11 chief, Supt. Wilson Doromal.

Ayon kay Crisostomo, nagtataka siya kung bakit walang police na umiikot sa nasabing lugar upang mabigyan ng  seguridad ang mga publiko.

Kuwento ni Crisostomo, naglalakad siya sa Plaza Lacson patungong LRT nang maramdaman niya na may nagbubukas ng kanyang bag. Sinita niya ang babaeng mandurukot subalit agad itong tumakbo.

Nasa itaas na siya ng LRT nang makita  na naman niya ang babaeng nandudukot sa kanya na may bagong binibiktima. Sumigaw siya ng  “mandurukot ‘yan”.

Naniniwala si Crisostomo na alam ni Doromal na tambayan ng solvent boys at mga pandurukot ang Plaza Lacson.

Matatandaan na sinabi ni Estrada na nais niyang  ibalik ang  lugar ng Sta. Cruz bilang isa sa mga tourist destination  sa lungsod at maibalik ang mga namumuhunang negosyante.

 

Show comments