Dahil sa malakas na pag-ulan klase sa lahat ng antas sa Muntinlupa, sinuspinde kahapon

MANILA, Philippines - Sinuspinde kahapon ang klase sa lahat ng antas sa lungsod ng Mun­tinlupa dulot ng malakas na pag-ulan dahil sa bagyong Santi.

Sinabi kahapon ni Tess Navarro, hepe ng Muntinlupa City Hall Public Information Office,  nagpalabas ng ka­utusan si Mayor Jaime Fresnedi na suspendihin ang klase sa lahat ng antas sa publiko at mga  pribadong paaralan.

Ang kautusan ni Fres­nedi ay base sa naging report ng local disaster coordinating council ng Muntinlupa City at base na rin sa pinalabas na guidelines ng Department of Education.

Nabatid, na sa tuwing magkakaroon ng malakas pag-ulan sa naturang lungsod ay isa ang lungsod ng Muntinlupa ang apektado ng mataas na tubig-baha lalu sa maraming bilang ng mga barangay nito.

 

Show comments