MANILA, Philippines - Dalawa katao ang natusta habang tinatayang aabot sa P.2 milyon halaga ng mga ari-arian na naabo matapos masunog ang 7-door apartment kahapon ng madaling araw sa Makati City.
Halos hindi makilala ang mga nasawing biktima na sina Danilo Deloviar, 60 at Grace Quintanar, 35 dahil sa matinding pagkasunog matapos na ma-trap ang mga ito sa loob ng kanilang tinitirhan.
Ayon kay Makati City Fire chief Ric Perdigon, naganap ang insidente ala-1:30 ng maÂdaling-araw sa apartment sa Brgy. West Rembo ng naturang lungsod.
Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na nagsimula ang sunog sa second floor ng apartment na tiniÂtirhan ni Deloviar.
Mabilis umanong kumalat ang apoy sa katabi nitong unit na isa nga rito ay ang pag-aari ni Quintanar.
Ayon pa sa report, alas-4:30 ng madaling araw ay kapwa natagpuan ang mga biktima sa ground floor ng kanilang unit at ang biktimang si Quintanar ay natagpuan kasama pa ang kanyang alagang aso na nasunog rin.
Napag-alaman na umabot sa Task Force Alpha ang sunog at ito’y idineklarang fire-out matapos ang isang oras.
Sinabi pa ni PerÂdiÂgon, na posibÂleng illegal electrical connection ang dahilan ng sunog subalit paÂtuloy pa nila itong iniimÂbestigahan.