MANILA, Philippines - Dahil sa mga hinaing sa kanya ng mga batang ina na hindi nakapagtapos ng pag -aaral at walang pinagkakakitaan sa buhay dahil sa murang edad at walang kahandaan sa pamumuhay, nangako si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na tutulungan ang mga ito na magkaroon ng maayos at disenteng buhay sa komunidad nilang ginagalawan.
Sa Oktubre 19 ng taong ito ay pangungunahan ni Belmonte ang isang proyekto sa mga batang ina na may temang ‘Hawak Kamay Tungo sa Magandang Kinabukasan:Isang Pagtitipon ng mga Batang Ina, International day for the Girl Child’ na layuning alamin ang mga pangangailangan ng mga ito at turuan para sa maayos na pamumuhay. Bukod dito ay bibigÂyan sila ng sapat na kaalaman sa proper parenting o tamang pag-aalaga ng mga anak.
“Dito malalaman natin, ano ba ang kanilang pangangailaÂngan, kung hindi nakatapos ng pag -aaral dahil nagkaanak ng bata pa ay tutulungan natin sila na mabago ang buhay, maaaring makapag- aral sila ulit at bibigyan natin sila ng kaÂukuÂlang training o anumang livelihood programs na maaaring pakikinabangan ng kanilang pamilyaâ€, pahayag ni Belmonte.
Sa proyektong ito na gagawin sa P.Bernardo Elementary School sa buong araw ng October 19 ay katuwang ang Woman Health Philippines na aayudahan ang pangaÂngailangan ng may mahigit 300 teenage mothers na may edad 19- anyos pababa.