Checkpoints inabandona: 30 pulis kakasuhan
MANILA, Philippines - Nakatakdang sampahan ng kasong admiÂnistratibo ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang nasa 30 pulis makaraang matuklasan na wala ang mga ito sa kani-kanilang mga puwesto sa itinatag na mga checkpoints ngayong tumatakbo na ang “election period†para sa Barangay Elections.
Mismong si NCRPO Director, Chief Supt. Marcelo Garbo umano ang nakatuklas na wala sa kanilang mga puwesto ang mga pulis sa isinagawa nitong mga sorpresang inspeksyon.
Nabatid na may ranggo umano ang mga pulis mula PO1 hanggang Senior Inspector.
Maaaring maharap ang naturang mga pulis sa kasong neglect of duty hanggang serious neglect of duty.
Karamihan sa mga police checkpoints na ininspeksyon at nahulihan na walang tao ay ang mga lugar ng Caloocan City; Cubao at EDSA sa Quezon City; Mandaluyong City at sa España sa Maynila.
Nag-umpisa ang election period para sa daÂrating na eleksyon sa barangay nitong Setyembre 28 at magtatapos sa Nobyembre 12. Dito itinaas sa heightened alert status ang pambansang pulisya kabilang ang NCRPO at naglatag ng mga checkpoints at operasyon upang ipatupad ang “gun banâ€.
Sa datos ng PNP, nasa 167 katao na ang nadadakip ng pulisya na lumalabag sa gun ban sa mga ikinasang operasyon at checkpoints sa buong bansa.
- Latest