MANILA, Philippines - Patay ang isang 31-anÂyos na parking attendant nang barilin sa ulo at dibdib habang nagkakape, sa Binondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Albert Monteroso, ng Gate 46, Parola compound, Binondo.
Isang “Joed Zanuesâ€, na tinatayang 30-35 anyos, residente ng Area C, Parola compound, ang sinasabing nakitang bumaril sa biktima.
Sa ulat ni SPO2 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 5 ng madaÂling-araw ay nakaupo sa nakaparadang tricycle sa Gate 46 ng Parola compound, ang biktima at siniÂmulang higupin ang inorder na kape nang lapitan siya ng suspect at pinaputukan ng malapitan.
Pinaghahanap na ang tumakas na suspect.